RH Bill malabo pang maipasa sa Kamara

IPINAHAYAG Majority Floor Leader Neptali Gonzales na malabo pang maipasa ang Reproductive Health (RH) Bill sa Kamara.dahil hindi muna tatalakayin ang naturang panukalang batas sa susunod na mga araw dahil sa tensyon sa pagitan ng mga mambabatas.

Sinabi ni Gonzales na magkakaroon din ng dalawang linggong recess at pagbalik naman ay sisimulan na ang pagtalakay sa P2.6 trillion proposed budget para sa 2013.

Samantala iginiit naman ni Senador Vicente Sotto III ang umano’y cyber bullying na ginagawa sa kanya matapos ang talumpati kontra sa RH Bill.

Sinabi ni Sotto na gumagamit pa ng pekeng accounts ang mga kritiko niya at tina-target ang mismong pagkatao niya.

Hinamon ni Sotto ang mga kumokontra sa kanya na sagutin ang mga puntong inilabas niya sa kanyang Anti-RH Bill speech at huwag atakehin ang kanyang pagkatao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply