Rhian Ramos, civil lang sila ni Geneva Cruz

IPINAGTAPAT ni Rhian Ramos na once lang silang nagkita ni Geneva Cruz, ang ex-gf ng boyfriend niya ngayong si KC Montero.

Wala naman daw silang pinag-usapang gaano nang nagkita silang dalawa sa isang okasyon. Siyempre, kasama niya si KC sa panahong iyon.

May constant communication sila ni KC kahit hindi sila magkasamang madalas pero understanding naman si Rhian kung nagkikita o nag-uusap ng matagal ang dating magsyota.

Para kay Rhian, timely lang ang pagdating sa buhay niya ni KC. Maaaring matagal na silang magkakilala pero lately lang silang naging super close ay ngayo’y regular nang nagdi-date.

Tungkol sa kanyang career, hindi siya nagagalit o naiinis sa GMA 7 kung hindi natuloy ang Sana Dalawa ang Puso Ko na soap. Sana’y magkakasama sila roon nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Ayon kay Rhian, biglang nagbago ang planong soap para kina Kris at Aljur. Siya naman ay napasama bilang isa sa leading ladies ni Sen. Bong Revilla sa first soap ng actor, ang Indio.

Magti-taping na sila ngayong August o September pero next year pa ito ipalalabas. Mag-iipon sila ng maraming episodes bago ito ipalabas early next year, 2013.

Kung matagal man nabakante sa soap opera si Rhian, mayroon naman siyang regular na programang Manny Many Prizes tuwing Sunday afternoon bilang co-host ni Cong. Manny Pacquiao.

Tuwing Sunday pa rin ang Party Pilipinas kung saan kumakanta, sumasayaw at naghu-host din siya.

000

Lovi Poe, hindi talaga inaantok sa pagbabantay sa editor ng Guni-Guni baka kasi malusot ang sobrang love scene nila ni Benjamin Alves

BASTA sinabi ni Lovi Poe, gagawin niya. Tulad nang ipinahayag niyang babantayan niya ang pag-edit ng Guni-guni dahil baka makalusot ang di dapat makalusot na sobrang daring at sexy na love scene nila ni Benjamin Alves.

Katwiran ni Lovi, sa tingin niya ay parang nasobrahan dahil nadala siya sa role na parang may sumasanib sa katauhan niya.

Sobrang na-internalize ni Lovi ang mga eksenang parang babaeng nawawala sa sarili. Sinasapian siya ng ibang espiritu. Ganyan kasi ang istorya ng Guni-Guni na may kakambal siyang namayapa na pero sumasanib sa kanya.

Wala namang angal si Lovi sa kanyang ka-love team na si Benjamin. Tingin niya’y magaling itong aktor at sumu- sunod lang sa mga tagubilin ng kanilang director na si Tara.

Gentleman naman si Benjamin sa kanilang mga maseselang eksena bukod pa na puedeng sabihing nagkahulihan na rin sila nito ng loob kaya naging friends silang dalawa sa duration ng shooting ng movie na produced ng Regal Films.

Showing na ang movie sa Miyerkoles, August 22.

 

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply