Richard Gomez huli sa 200 gramo ng shabu

ARESTADO ang isang lalaking kapangalan ng sikat na aktor makaraang mahulihan ng humigit kumulang sa 200 gramo ng shabu sa isang buy bust operation na inilunsad ng anti-drug agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang nasabing iligal na droga na katumbas ng halagang P1 milyon ay nakumpiska kay Richard A. Gomez, 31, ng 369 S. Roldan Street, Tangos, Navotas City.

Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng PDEA-IIS sa pangunguna ni Director Zoilo M. Lachica noong gabi ng August 29, 2012, sa Barangay Fort Bonifacio sa Taguig City matapos magkasundo ang poseur buyer at si Gomez sa nasabing bentahan ng iligal na droga sa labas ng isang kilalang Spanish restaurant sa nabanggit na lugar.

Matapos ang koordinasyon ng PDEA sa Taguig Police, at sa tanggapan ni  Taguig City Mayor, Lani Cayetano ay agad ding inaresto ang suspek matapos iabot ng agent ang buy-bust kapalit ng iligal na droga.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na si Gomez ay miyembro ng  drug syndicate na sangkot sa pagkakalat ng shabu sa  Metro Manila, partikular sa Taguig City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply