Riding-in-tandem, todas sa parak sa Maynila

BUMULAGTA ang dalawang lalaking magka-angkas sa isang motorsiklo matapos na makipagbarilan sa mga operatiba ng Manila Police District-Station 4 kaninang madaling araw.

Ayon kay Station 4 Commander Chief P/Supt. Rolando Balasabas, naganap ang insidente sa bahagi ng Lacson Avenue, Sampaloc, Maynila.

Nauna rito, nagpapatrolya ang kanyang mga tauhan nang mapansin ang isang riding-in-tandem na nakasuot ng bonnet at walang plaka ang kanilang motorsiklo.

Dahil dito, nang tangkaing pahintuin ng mga operatiba ang dalawa ay hindi huminto at sa halip ay nagpaputok ng kanilang baril.

Napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad dahilan upang tamaan ang dalawa na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Narekober sa dalawa ang kalibre .38 baril at isang fragmentation grenade.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply