Riprap winasak ng kawatan at 2 may-ari sa pabahay

Misyon aksyon, sana matawag ang pansin ng management ng Ca-rissa rito sa Palmera Phase 1, Barangay Kaypian, San Jose Del Monte  Bulacan, katabi ng Starmall,  ukol sa pagsira ng mga batang illegal settler mula sa Sitio Sulpot sa riprap na siyang nagiging daanan ngayon nila para makaraan patungo sa Starmall.

Ang masaklap po nito, sa gabi naman po ay nagiging daanan ng mga magnanakaw. Kaya malimit manakawan ang aming  subdibisyon. Kaya ang panawagan namin   ay sana magawaan ng paraan na  maayos ang nasabing riprap kasi po pananagutan pa naman ng Carissa Management ang nasabing parte ng riprap .

Una, hindi pa po ito na-turn over  sa homeowners  kasi marami pang mga unit ang under control  ng Carissa. Dapat nga po ay may perimeter  fence  pa ang  aming subdibisyon dahil sa may mga illegal settler ang nakatayo sa paligid kaya nga po tinawag na  Sitio Sulpot  ang nasabing lugar. Maging ang katabing  phase 6-b at  phase 6-a,  wala ring  bakod pero iyong Northhills Subdibisyon  na  harap ng resort at  Finds Store  ay nagawan  nila ng bakod.

Kaya  sana  po  aksyunan  agad  ito ni Sen. Villar at ng kaniyang may bahay na si Cynthia Villar  na  may ari po ng  nasabing  subdibisyon .

Gumagalang corcern,
Residents of  phase 1

Misyon aksyon, isa po akong ofw sa bansang Singapore.  Katunayan  isa akong inhinyero. Sa kagustuhan ko po na magkaroon ng  sariling  bahay ay  napagkasunduan naming makakuha ng bahay  malapit sa Star Mall para naman  pag gusto naming mag-mall ay ‘di namin kailangang mamasahe.   Konting lakad nandoon ka na sa  mall at nakapag-ehersisyo ka pa.

Kaya ‘di po kaming nagdalawang isip na bumili ng bahay roon.  Naalala ko, nabasa  ko po sa kolum ninyo ang kaso sa Northgate  Subdibisyon na may mga empleyado  ng Pag-ibig na kakutsaba ng  isang  ahente (fixer) na siyang nag bebenta ng unit na pag-aari ng Pag-ibig. Hihikayatin ka nila na bilhin ang unit.

Makaraang makunbinsi ka at ipakita sa iyo ang unit ay dadalhin  ka sa tanggapan ng pagibig  at  ibibigay sa iyo ang mga requirement  para  makuha  mo ang unit na   inyong pinag-usapan ng ahente ay   doon na papasok ang  sindikato nila.

May papipirmahan sa iyo na mga dokumento at pag ikaw ay  nakapagbitaw na ng pera, bibigyan ka nila ng move–in papers na katunayan ay sa iyo ang unit. Dito na papasok ang masalimuot mong  problema. Daratnan mo ang  nakuha mong unit na may nakatira  na pala, kaya ang siste, kahit anong paliwanag mo  ay  di mo na mapaalis ang nakatira kasi pakikitaan ka rin ng mga dokumento na kanila itong pag aari.

Maghahabol  ka na ngayon  sa  ahente  pero  di muna ito makikita  at matawagan kasi cannot  be  reach ang kanyang  cellphone at  pag pumunta  ka naman sa  tanggapan ng Pag-ibig  pag tutu-turuan kana nila.

Alam  po ninyo  Misyon aksyon   marami  na pala kaming biktima  pero walang aksyon ang nasabing  ahensiya.  Nabalitaan  ko po  sa  Barangay sa Sto Cristo mahigit sa   20 na nagiging biktima na nasabing sindikato. Ngayon ay may bago na namang biktima diyan sa Eagle View subdivision sa halagang P98,000.00 st  ng bisitahin nya ay , meron ng nakatira na nagsasabing kanila rin ang unit. Paulit ulit na lang ang ganitong problema at walang aksiyon.

Kaya  umaasa po ako na  mabibigyan ito ng aksyon  ni  Vice President  Jejomar  Binay  na siyang  chairman ng  HUDC.   Nawa  maputol  ang  kutsabahan ng  mga  taga  Pag ibig at
ahente  nila.

Gumagalang
Mr    Engineer.

Paging   Mr and  Mrs. Villar Sir/madam  pakiimbistigahan naman po ang reklamo  ng inyong  subdibisyon sa  Phase 1 Northwinds  City Barangay   Kaypiaan,   San Jose Del Monte,  Bulacan  katabi ng inyong Starmall. Iyon  umanong riprap  sa pagitang  ng  Sitio  Sulpot sa phase 1 ay  winasak  at sinisira ang  nasabing riprap  kaya pag araw  doon  na ang lagusan ng mga taga Sulpot  at pag  gabi naman po  ay mga magnanakaw  naman ang siyang dumaraan  doon kaya  karamihan  sa  mga nakatira ay  bikitma ng mga magnanakaw at  akyat  bahay gang.   Kaya kung maaari  po sana   ma-inspeksyon  ito.  At   gawan  ng paraan.  Kayo  rin po,  malapit na ang  eleksyon malaking kabawasan  sa inyong  boto ang mga nakatira  sa  nasabing   subdibisyon.  At kay  Vice  President  Jejomar Binay:  Sir,  paki imbistigahan naman po ang inyong empleyado na sangkot sa bentahan ng bahay sa  Pag ibig. Mayroon na palang may ari ay  muli itong ibinibenta ng  isang  ahente  ninyo  na kakila  ng inyong  empleyado.  Kaya nagagawa  makapanloko kasi  labas  masok  sa inyong tanggapan ang  nasabing ahente   na  kapag  nabentahan  ang biktima  ay mawawala na iyong parang bula. Ang  karamihan  pong  mga biktima ay  OFW.    Kawawa naman po ang ating mga  OFW  nagsisipag   sila kahit mawalay  sa kanilang mahal sa  buhay, lolokohin lang pala nila. At di po  ba proyekto ng  ating  gobyerno  na  mabigyan ng pabahay ang mga  kababayan natin? Gayong oonsehin lang  pala ng  inyong  mga empleyado?   Kaya Sir, paki  aksyonan naman po.  O baka naman kinusunsinti  po ninyo sila  kasi  empleyado ninyo.

Bilib   naman po ako  sa isang  PR man  ng  isang  Mining  company   na  si Bojo  nalilibre na nga  po  ito sa kaniyang  mga press released  ay nagawa  pang  lokohin  ang aking kakila.  Kasi namatay  po ang magulang  niya,  biruin mo nangako itong sasagutin niya ang kalahati ng  gastuhin ng  palibing.  Aba  mantakin mo nalibing na  iyong  patay  wala  pa iyong mokong  kaya  mabuti na lamang  iyong kuya niya galing Japan ang siyang sumagot.

Ang masaklap nito baka  pinang kolekta  pa iyong kaibigan  sa mga  mining  company, baka  na ibinulsa  pa  iyong  abuloy.  Sana  Mr.  Bojo huwag kang  mangangako.  Sabagay pangako nga pala  iyong bakit pa tutuparin. Di bali pag ikaw  ang namatay sagot ko palibing sayo.

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan.

NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA. Cellphone Numbers: GLOBE-09165982736 SMART-09193628223 EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com, arnel_petil@yahoo.com, arnelpetil@gmail.com at http://misyonaksyon.blogspot.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahil para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig ng mga nagrereklamo at nirereklamo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply