Rita Avila, patuloy na iniintriga!

NAGBABALIK si Rita Avila pagkatapos mag-resign sa ‘Walang Hanggan’.

Kasama siya sa bagong afternoon Prime ng GMA-7 na Sana Ay Ikaw Na  Nga na pangungunahan nina Mikael Daez at Andrea Torres. Ang original version nito ay ginampanan noong 2002 nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia.

Gagampanan ni Rita ang dating role ni Jaclyn Jose. Two months din siyang nagpahinga dahil sa therapy sa kanyang neck at likod.

May isyung lumabas na kaya nawala diumano siya sa Walang Hanggan ay dahil nag-aalaga siya ng manika sa taping. Pinagagatas niya, pinatutulog at kinakausap ang mga manika.

“Hindi ko nga alam kung saan galing ang mga ganyang kuru-kuro. Kasi maayos naman akong umalis sa show. After may last day, nagpadala pa nga sila ng flowers. Wala namang gulong nangyari. Nag-resign ako dahil sabi ng doctor ko nagte-therapy ka nga pero you’re so stressed kaya parang nagsasayang ka lang. E, siyempre, nag-isip ako nu’n kung dapat ko bang tapusin ito at i-sacrifice or ingatan ko na ngayon para magtagal pa ang buhay ko.

“It’s a difficult decision dahil number one nga ang soap. Napakaganda ng role ko, napakaganda ng cast pero kailangan talaga,” paliwanag niya.

“Ano, e ang mga nagsasabi ng mga hindi maganda ay ‘yung mga hindi nakaiintindi. A sort of therapy rin sa akin at saka laruan namin ni Erick (Reyes, husband niya at director) ‘yun. So bilang director at artista, imaginative kami, e! Wala naman kaming anak, ‘di ba? May mga na-meet rin akong tao na maraming dolls at ganoon din. They talked to the dolls, it helps, e. Basta laruan namin sila,” dagdag pa niya.

Hindi ba siya nao-offend sa ganyang klaseng isyu?

“Hindi na kasi wala naman akong ginagawang masama at saka ‘yung nga dahil nalaman nila na marami akong dolls, sinasabi rin nila na kami rin po may ganyan. Even si Melissa Ricks, meron siyang Panda Bear na 21 years na sa kanya na talagang pag nawala ‘yun ay maloloka siya,” sey pa niya.

Hindi ba sumama ang loob niya na pinalitan siya ni Eula Valdez sa ‘Walang Hanggan’ at nagkakaroon ngayon ng comparison sa kanilang dalawa?

“Eula is a very good actress. Sa Twitter world nga, may mga nagagalit kay Eula pero ako pa ‘yung nagtatanggol. Oy, ano ba kayo, character lang ‘yan, magaling talagang artista ‘yan. Iba na ‘yung karakter niya, e as Jane. Sa Twitter naman ay may mga nagti-tweet na ‘bumalik ka na, mas gusto ka namin as Jane’. I think, iba-iba naman talaga ang opinion ng tao,” aniya pa.

Ano ang naramdaman niya nu’ng si Eula na ang gumanap as Jane?

“Wala. Kasi nu’ng mag-resign ako sa  kanila, alam ko naman na papalitan nila ako. Kaya wala po talagang prob- lema sa show,” bulalas pa siya.

Aware siya na si Eula ang papalit sa kanya?

“Yes,” tugon pa niya.

Ano naman ang assurance na hindi na siya magre-resign sa Sana ay Ikaw Na Nga?

“Kasi light po ‘yung schedule kaya nga sabi ko, ang galing ni God kasi hindi naman niya ako binigla. Parang, he gave me two months to rest then pumasok ‘yung offer. May mga guesting ako that time pero hindi ko tinang- gap. Total rest talaga. Sa ‘Walang Hanggan kasi halos araw-araw kami nagti-taping,” kuwento ni Rita.

Anyway, ang Sana ay Ikaw Na Nga ay magsisimula sa September 3 na kung saan ay si Roderick ‘Dick’ Lindayag ang director.

-0o0-

SA TWITTER Account ni Rita ay nag-shout out siya .”Last night at d presscon, I was asked kung bakit dami nega news sa pag-alis ko. I said ‘di ko din po alam dahil maayos akong umalis’.

“Maayos po akong umalis, maayos ang relasyon ko sa mga co-actors ko, maayos akong nagtrabaho. Ang di lang maayos ay ang mga may sariling kuro-kuro. That’s a reflection of their minds. Sa mga nag-aakalang I desire fame, no po. Matagal ko na pong nae-enjoy ang katahimikan.”

“Sa mata ng iba, laos. Yes, maaari. I go through the road less travelled because I yearn for peace. When I lost my baby, I had to do something positive…I had to work and make my loved ones happy. Ganun lang po ako ka-simple.”

‘Yun na!

-0o0-

NAGING espesyal na panauhin ng Game ‘N Go ang MMDA traffic enforcer na si Saturnino Fabros sa imbitasyon ng host na si Arnell Ignacio. Kasama ni Fabros ang kanyang mga anak para mapanood nang live ang Game ‘N Go.

Ang masayang handog ng host sa naaping traffic enforcer ay bahagi ng “grand treat campaign” na inilunsad ni Arnelli sa Twitter matapos mapanood ang kumalat na video kung saan sinaktan si Fabros ng isang motorista. Layunin ng Game ‘N Go host na mapasaya si Fabros at makaipon ng donasyon para makatulong sa kanyang pamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply