Road repair ng MMDA, tuloy ngayong araw

TULOY ang pagkukumpuni sa mga kalsadang nasira ng malawakang pagbaha dulot ng Habagat ngayong araw.

Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang road reblocking ay sinimulan kaninang umaga at muling bubuksan ang mga ito sa madaling araw ng Lunes, Agosto 27.

Kasama sa mga apektado ng road reblocking ang mga sumusunod:

– North bound lane ng R10 road sa Tondo
– North bound lane ng EDSA mula Oliveros hanggang Balintawak
– Apo Street hanggang Julia Vargas sa Mandaluyong
– South bound lane ng Shaw Boulevard hanggang Pinatubo Street
– Katihan – HBP Bridge sa South Luzon Expressway
– Baranggay Poblacion, Muntinlupa
– South bound lane ng Rizal Avenue Corner C-3 road
– Samson road
– Heroes Street hanggang Monumento
– East bound at rail road crossing sa Market Road at
– West bound sa Caloocan

Ang raod reblocking ay sinimulan kagabi sa bahagi ng North bound lane sa Osmeña Highway, malapit sa Magallanes Interchange para ito maaspaltohan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply