Robredo, dadalo sa parangal ng anak

DADALO sana sa igagawad na parangal ng anak nang bumagsak ang sinasakyang private plane ni Department  of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo.

Ayon sa pahayag ni Naga City Mayor John Bongat, nakatakdang dumalo si Robredo sa gaganaping awarding ceremonies sa kanyang anak na nagwagi sa isang swimming competition ng Palarong Panglungsod kaya sinikap nito makarating kaagad sa Naga City.

Mula sa Cebu uuwi sa Naga si Robredo galing sa isang official assignment ni Pangulong Noynoy Aquino.

Tinangka pa umanog  pigilan ng asawang si Atty. Leny ang kalihim dahil hindi naman din umano ito makaka-abot sa closing ceremonies bandang alas-3:00 hanggang alas-4:00 kahapon.

Sinabi naman ni Bongat na lubos na ikinagulat ng pamilya Robredo at ng mga Nagaueno ang pagkawala ni Robredo.

Bumagsak ang sinasakyang 6-seater plane ni Robredo kasama ang aide de camp na si Sr. Insp. Capt. Jun Abrasado, pilotong si Capt. Jessup Bahinting at co-pilot na isang Nepalese na si Kshitis Chand sa karagatang sakop ng Masbate.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nagawa pang makatawag ng piloto na nagkaroon ng ‘engine problem’ kasabay ng paghingi ng clearance para makapag-emergency landing sa Masbate airport pero hindi na ito umabot.

Ang private plane ay bumagsak sa pagitan ng Ticao Island at Masbate City may 200 kilometro ang layo sa pampang.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply