Robredo ilalagak sa Heroes Hall sa M’cañang

MALAKI ang posibilidad na sa Heroes Hall sa Malakanyang ilagak ang labi ni DILG Secretary Jesse Robredo.

Ayon kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Undersecretary Manuel Quezon III, malabong sa Rizal Hall ilagak ang labi ni Robredo dahil tanging ang labi lamang ng Pangulo ang maaaring ilagak doon.

“Let us understand that the tradition is that the only wakes that have generally been held in the Palace were for presidents. The wakes for presidents are only held in Rizal Hall,” ayon kay Usec. Manolo.

Malabo din umanong dalhin ang labi ni Robredo sa DILG dahil ang kahilingan ng pamilya ng Kalihim ay “keep the transporting of the remains to a minimum.”

Hindi rin kalakihan ang tanggapan sa DILG para ma-accommodate ang mga taong nais na masilayan sa huling sandali ang namayapang Kalihim.

Tiniyak rin ng Malakanyang  namagkakaroon ng full coverage ng media ang lamay sa labi ni Robredo.

Bibigyan ng mataas na honor si Sec. Robredo na nakapaloob sa state funeral para rito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply