Robredo, kinilala sa isang resolusyon sa Senado

NAGHAIN ng isang resolusyon si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan upang kilalanin ang kontribusyon ni yumaong Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sa reporma sa gobyerno.

Sa Senate Resolution NO. 843, sinabi ni Pangilinan na kinikilala nito ang kontribusyon ni Robredo sa repormang ipinatutupad sa pamahalaan hindi lamang bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government  kundi noong pang naging alkalde ito ng Naga City.

May titulo itong:  “A resolution expressing the sincere condolences and sympathy of the Senate over the passing of DILG Secretary Jesse M. Robredo and honoring him for his outstanding contributions to governmental reforms in the country.” kung saan nakasaad ang mga achievement ni Robredo bilang mayor ng Naga City, bilang presidente ng League of Cities of the Philippines, bilang chairman ng Regional Development Council sa Bicol, at bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government.

Tinukoy sa resolusyon ang achievements ni Robredo, ilan dito ang pagiging 2000 Ramon Magsaysay Award for Government Service, ang 1998 Konrad Adenauer Medal of Excellence bilang Most Outstanding City Mayor of the Philippines, at ang unang “Dangal ng Bayan” Award ng Civil Service Commission.

“The Filipino people are mourning for the untimely death of Secretary Robredo. The country lost a rare and exemplary public servant in the person of Secretary Robredo,” nakasaad pa sa resolusyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply