Robredo kukumpirmahin bilang pagkilala ng CA

KUKUMPIRMAHIN ng makapangyarihang Commission on Appointment (CA) si yumaong Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo bilang pagkilala sa kanyang nagawang serbisyo sa pamahalaan.

Sa panayam ng radio nitong Linggo, sinabi ni Angara na bagamat hindi legally binding ang kumpirmasyon, mas makabubuti na aniya ang ganito upang mabigyan ng pagkilala ang paninilbiihan ni Robredo sa pamahalaan.

“Technically and legally, tama ang sinasabi na kapag namatay ang isang appointee, hindi na puwedng ma-confirm, pero ang pagkakaintindi ko dito plano na ibigay ang confirmation as a token of recognition for the merit for the service of Robredo, isang act of recognization lang but not legally binding,” ayon kay Angara, miyembro ng CA.

Ipinaliwanag pa ni Angara na hindi lamang consuelo de bobo ang pagbibigay ng kumpirmasyon kay Robredo bagkus upang patibayin lamang ang karangalan na ibibigay sa kanya.

Sinabi pa ni Angara na bagama’t wala pang pangyayari na kinumpirma ng CA ang pagkakatalaga sa isang namayapang opisyal dahil natapos ang kanyang pagiging opisyal sa pagkamatay ng kandidato na isasailalim sa kumpirmasyon.

“Technically, walang ganoon, kapag namatay ang isang appointee, at hindi na-confirm, at ang kanyang appointment ay kailangan ng confirmation, hindi kumpleto ang tatanggapin niyang confirmation, half appointment lang,” aniya.

“But the CA is ready to complete his appointment as the Secretary of Interior and Local Government since he has half appointment, not full,” giit pa ni Angara.

Aniya, kung walang tututol sa kumpirmasyon ni Robredo, walang lalabagin na rules o batas ang CA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply