Robredo, pararangalan ng Ramon Magsaysay awardees

PARARANGALAN ng Ramon Magsaysay Awardees si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo dahil sa kanyang magandang performance sa kanyang tungkulin.

Darating ngayong araw ang mga delegado ng Ramon Magsaysay Awards para magbigay parangal kay Robredo.

Sinabi ng Ninoy Aquino International Airports (NAIA) Media Affairs Department na bibigyan ng airport assistance ang mga delegado at mayroon na ring inayos na sasakyan para sa mga delegado.

Isa si Robredo sa mga tumanggap ng Ramon Magsaysay Awards dahil sa maganda at magaling nitong pamumuno noong siya ay alkalde pa ng Naga City.

Sa kabila ng kanyang mabigat na responsibilidad bilang kalihim ng DILG, si Robredo ay isang ulirang ama at asawa dahil tinitiyak niyang mayroon siyang panahon para sa kanyang pamilya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply