Robredo sasalubungin ng 19-gun salute sa Malakanyang

SASALUBUNGIN ng 19-gun salute at musketry na kinabibilangan ng three-volley fires ang labi ni Interior Secretary Jesse Robredo sa Malakanyang.

Sa ulat sa radyo, pangungunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang arrival honors na ibibigay ng Presidential Security Group sa kalihim mamayang 11:00 ng umaga sa Kalayaan Hall.

Bubuksan sa publiko ang labi ni Robredo dakong alas-siyete ng gabi hanggang alas-onse ng gabi at muling ipagpapatuloy kinabukasan, alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Kaugnay ng public viewing, nakiusap ang mga kinauukulan sa mga nais masilayan ang kalihim na bagama’t walang ipinatutupad na dress code, ay magbihis ng naaayon sa sitwasyon at lugar.

Maglalaan naman ng mga tent ang MMDA para sa mga pipila sakaling umulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply