Role ni Jodi sa teleserye napunta kay Iwa!

COVER ngayon ng isang men’s magazine si Iwa Moto. At para mas lalong bumenta ang kanyang pagpapaseksi sa naturang babasahin ay nagpuputak na naman ito. Ibinida nito na siya ang yaya Maria ni Thirdy, ang anak nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson. Nung sunduin daw ng aktres sa kanilang lovenest ni Pampi ang bata ay hindi siya kinibo nito.

Napansin lang namin, tila ‘yung role ni Jodi sa seryeng ‘Be Careful With My Heart’ ng ABS-CBN tuwing tanghali na kung saan ay gumaganap siyang yaya ng anak na pipi ni Papa Chen ay napunta kay Iwa sa totoong buhay? Hahaha!

Well, hindi masamang alagaan ng Kapatid talent na ito si Thirdy. Anak ito ng lalaking gusto niya.

So, dapat lang na gustuhin na rin niya ang bata para mas lalong bumilib sa kanya ang anak ni Sen. Panfilo Lacson.

‘Yan naman ang maipagkakapuri namin kay Moto, kahit na ang motto yata niya sa buhay pagdating sa mga julakis ay ‘collect and select’, mababait siya sa mga anak nang nagiging karelasyon niya.

Kahit doon sa anak ni Mikey Ablan ay very kind siya. At kahit napakaikli lamang nang naging churvahan, este, relasyon niya kay Leandro Muñoz ay nagpresenta raw ito sa huli na aalagaan niya ang daughter nito na balitang may kapansanan. Iyon nga lamang kinakailangan pa ni Iwa na pumunta ng Amerika para lamang magawa niya ito dahil ang bata ay nandoon sa nasabing bansa.

Sayang lamang at hindi naging maganda ang relasyon ng dalawa. Pinaasa lamang sa wala ni Leandro si Iwa.

***

Rita Avila umiskapo sa Dos bumalik sa Siyete

MARAMI ang nagtaka sa paglayas ni Rita Avila sa ‘Walang Hanggan’. Nakiusap siya noon na tigbakin na ang role niya rito bilang si Jean Montenegro na asawa ni Marco Montengro (Richard Gomez). Pero naintindihan naman siya ng kanyang fans nang sabihin nitong may sakit siya at kailangan niyang magpahinga.

After two months ay nagulat na lamang tayo dahil heto magtatrabaho uli siya pero hindi na sa ABS-CBN kundi sa GMA-7 sa ni-revive na blockbuster serye nilang ‘Sana Ay Ikaw na Nga’ na dating pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia but this time ay sina Mikael Daez at Andrea Torres na ang gaganap.

Ang ‘Sana Ay Ikaw Na Nga’ ay unang umire noong 2002 at tumakbo ito ng dalawang taon. Ayon kay Direk Roderick Lindayag, magiging mas lalong kaabang-abang ang mga eksena sa serye na ‘to dahil kung ‘yung orihinal daw ay umaabot pa nang dalawang buwan bago mapanood ang mahahalagang eksena, ngayon ay within 3 weeks ay makikita na ang highlight.

Kungbaga, hindi na magpapasikot-sikot pa ang istorya, tumbok agad.

Anyway, hindi namin natanong si Rita kung bakit nagpaalam siya sa Channel 2 na magpapahinga pero ‘yun naman pala ay babalik siya sa Siyete. Well, patuloy pa rin naman daw siya sa pagpapa-therapy sa kanyang nananakit na batok at likod.

Hindi kaya naengganyong tanggapin ni Rita ang role niya sa nasabing TV soap dahil si Jestoni Alarcon ang magiging kapareha niya? O, Puwede ring sabihing mas maganda ang offer sa kanya sa Kapuso kesa rito sa Kapamilya?

Anyway, ang bagong ‘Sana Ay Ikaw Na Nga’ ay mapanonood na sa September 3 sa GMA Afternoon Prime pagkatapos nang magwawakas ng ‘Kasalanan bang Ibigin Ka?’

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.    

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply