Rolito Go hawak na ng pulisya

HAWAK na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang murder convict na si Rolito Go matapos iulat kahapon (Agosto 15) na nawawala at umano’y kinidnap ito at ang pamangkin nitong si Clemence Yu sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Sa ulat sa telebisyon, dinala sina Go at Yu sa Kampo Crame.

Base sa pahayag ni Go nang kausapin ng mga awtoridad, sinabi nito na pinalaya umano siya at ang kanyang pamangkin ng mga kidnapper sa Tanauan, Batangas. Mula doon ay sumakay umano sila ng bus at sa pamamagitan ng telepono ng kundoktor ay natawagan nila ang kanilang pamliya.

Inabangan naman sina Go ng kanyang pamilya kasama ang PNP Anti-Kidnapping Group sa isang mall sa Alabang.

Planong i-turn-over si Go sa Bureau of Corrections (BuCor).

Patuloy ang imbestigasyon at aalamin kung totoong dinukot sina at paanong sila’y pinalaya kahit hindi nabayaran ang hinihinging P1 milyon ransom money.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply