Rolito Go, mananatili muna sa NBP Hospital

PANSAMANTALANG mamamalagi sa New Bilibid Prison (NBP) Hospital sa maximum security compound ng National Bilibid Prison (NBP) si Rolito Go para mapangalaan ang kanyang kondisyon.

Ayon kay NBP Chief Supt. Richard Schwarskopf Jr., doon na dinala si Go matapos ibalik sa NBP noong Huwebes dahil sa mga sugat na nakita sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sinabi ni Schwarskopf, mainam na sa ospital muna ito mamalagi dahil sa lagay ng kalusugan nito at dahil na rin sa mayroon itong colostomy bag na kinakailangang linisin araw-araw.

Ibinalik sa maximum security compound ng NBP sa Muntinlupa City si convicted murderer Go, makaraan ang insidente ng pagkawala nito sa kaniyang tinutuluyang kubo sa minimum security compound.

Ayon kay NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr., bukod sa isyu ng seguridad, kailangan din umanong mas matingnan ngayon ang kalusugan nito.

Hindi muna papayagan ang pamangking nurse ni Go na magtungo at personal na mag-asikaso sa kaniya dahil may mga doktor at nurse naman na nakatalaga sa ospital ng NBP sa loob ng compound.

Tiniyak din ni Schwarzkopf na bibigyan nila ng sapat na atensyong medikal si Go dahil sa edad at kalusugan nito.

Mananatili din, aniyang, lay minister ng simbahan ang naturang inmate sa kabila ng pangyayari dahil bahagi ito ng karapatan ng sinumang mananampalatayang bilanggo, kahit ano ang kanilang relihiyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply