Rolito Go nagbayad ng P2 M ransom – Laciste

NAGBAYAD umano ng P2 milyon ransom si convicted killer Rolito Go, ayon sa pahayag ni Rommel Laciste, ang bilanggong nakatakas sa New Bilibid Prisons.

Balik-rehas si Laciste matapos mahuli ng mga kagawad ng Isabela Police at Bureau of Corrections dakong alas-10 ng umaga sa bayan ng Surcoc sa Naguilian, Isabela kahapon.

Naaresto si Laciste matapos makita ng mga saksi na gumagala ito sa kanilang baryo sa San Mariano ,sakop ng barangay Palutan at Filomena sa paanan ng Sierra Madre.

Sa pagtatanong ni Isabela police director senior superintendent Franklin Mabanag, isiniwalat ni Laciste na pinagkaperahan ng mga gwardiya ng Bilibid si Go sa halagang P2 milyon.

Alam na umano ng mga gwardya na lalaya na ito sa isang taon kayat nagsagawa ang mga ito ng kidnap for ransom.

Isinakay umano si Go, si Clemens at si Laciste sa isang van, palabas ng Bilibid at naghiwahiwalay sila sa bahagi ng Baclaran sa Paranaque.

Beberipikahin pa ng pulisya ang pahayag ni Laciste kung ito”y gawa-gawa lamang bagamat may binaggit itong tatlo pang iba na pinatakas ng mga gwardya ng NBP.

Natuklasan ang pagkawala ni Laciste sa NBP ng ipag-utos ni Justice Leila de Lima ang imbentaryo ng mga bilanggo matapos umaktong direktor ng BuCor makaraang  masibak si direktor  Pangilinan sa kanyang pwesto dahil sa kapabayaan .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply