DOJ: Rolito Go nawawala sa NBP

KINUMPIRMA ni Justice Secretary Leila de Lima na nawawala ang convicted na si Rolito Go sa kanyang selda sa maximum security ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Ayon sa impormasyon na nakuha ng pamilya nito, nakidnap ito at humihingi ng P1 milyon ransom ang mga kidnapper nito.

Ayon kay De Lima, alas-11:00 kagabi nang mapansin ng NBP na nawawala si Go matapos ang isinagawang headcount.

Nakontak umano kaninang alas 7:00 ng umaga ng pamilya si Go, gayundin ang pamangkin na nurse na si Clemence Yu na kasa-kasama ni Go.

Hindi naman mabatid kung saan ang kinaroroonan ng mga ito subalit ang malinaw umano ay humihingi ng ransom ang mga kidnapper ng dalawa.

Si Go ay matatandaang nahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo dahil sa away-trapiko noong 1991 kung saan napatay nito ang nakaalitan sa trapiko na si Eldon Maguan.

Nabatid na huling nakita si Go sa Ina ng Awa Church sa loob ng NBP kung saan isa itong church worker.

Si Go ay isang living out inmate na kaya hindi ganoon kahigpit ang seguridad sa kanya bukod pa sa nakalalabas din ito dahil  sumasailalim sa chemotherapy sa Makati Medical Center dahil sa sakit na cancer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply