Round 3 MotoIR kasado na

UMULAN man o umara, patuloy ang pag-arangkada ng 2012 MotoIR Championships.

Katunayan, bukas isasagawa ang ikatlong round ng MotoIR sa Clark International Speedway sa Pampanga.

Sampung riders ang muling magbakbakan para sa prestihiyosong titulo bilang MotoIR Champion. Pinangungunahan ito ng Top 3 riders na sina Rizaldy Canare, Marvin Mangulabnan, at Anthony Roman. Kapwa nakakuha ng top scores ang mga riders matapos ang dalawang round ng MotoIR—50 pts. para kay Canare, 40 pts.para kay Mangulabnan at 32 pts. naman kay Roman.

Tuloy rin ang laban nina Michael Altamira, Jeffrey Chan at Gerald Cruz sa round 3.

Susubukan namang agawin nina JuverMirasol, Masato Fernando, Herbert Lopez at Clint Nolasco ang top spots sa kumpetisyon.

Sa kasalukuyan, nangunguna sa Team Standings ang koponan ni Canarena Replica Pro, kasunodng HGM Performance ni Mangulabnan, at ang Castrol DUDSHOP na siyang koponan ni Roman.

Ito na ang ikawalang taon ng MotoIR Championships na isang 7-round underbone competition na pinangungunahan ng Editor-in-Chief ng Inside Racing Magazine na si Al Camba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply