Roxas bilang SILG

HINDI pa man pormal na inaanunsyo ng Pangulong Noynoy Aquino ay naglabasan na sa mga pahayagan kung sino ang papalit sa yumaong Sec. Jesse Robredo.

At ayon sa ulat, si Department of Transporstation and Communication Sec. Mar Roxas ang hihirangin ng Pangulo bilang Interior and Local Go-vernment secretary.

Bagama’t napakaraming pangalan ang nababanggit na magiging DILG head, sa bandang huli, si Roxas  pa rin ang mauupong SILG.

Hindi – kumbaga – right decision kung pipili si PNoy ng  ibang personahe dahil malapit na ang May 2013 election at nakataya ang imahe at kapalaran ng partidong Liberal na hindi pa yata gaanong malakas.

SINO SI AFABLE?

Bukod kay katotong Asec. Zaldy Loyola, isang ‘Afable’ na opisyal din daw ng Malacanang ay ginagamit din ni ‘Jimmy’ sa pangongotong sa Aduana.

Nakalulungkot isipin na ang isang kaibigan tulad ni Zaldy na kilala rin nating matino at walang kalokohan sa katawan ay naga-gamit sa katiwalian.

Bukod pala kay Zaldy, isang taga-Palasyo na tumutugon sa pangalan na ‘Afable’ ay ginagamit din nitong si ‘Jimmy’ sa kanyang kalokohan.

Hayaan na nating bumaho ang pangalan ni ‘Afable’ dahil ‘di naman natin ito kilala, pero nababahala tayo sa panggagamit kay Asec. De Loyola.

And to think na malapit si ka-totong Zaldy kay Pangulong Noynoy Aquino, aba’y ano na lang  ang sasabihin at iisipin ng madlang people.

Maaaring maging masama ang dating sa kanila.

Kaya ang suhestiyon natin,  kumilos ang ating katoto para pabulaanan ang pananangkot sa kanya dahil nakataya ang  malinis niyang pangalan.

Maaring nagtatampo na o kaya’y galit na sa atin si katotong Zaldy dahil inilabas natin ng ilang beses na ang kanyang pangalan sa ating kolum.

Pero, ang sa atin naman, eh, pagmamalasakit lamang dahil nais lang nating ipaalam sa kanya na nagagamit  siya  sa kawalang-hiyaan.

Ang patuloy niyang pananahimik ay ‘di katanggap-tanggap sa mga taong nagtiwala kay PNoy at naniniwala sa kanyang ‘tuwid na daan’ advocacy.

Sa gitna ng kanyang pana-nahimik ay patuloy ang paghahasik ni ‘Jimmy’ sa kanyang kotong activity gamit ang kan-yang pangalan at ni ‘Afable’.

Ganon pa man, naniniwala tayong lalabas din si katotong Zaldy para harapin ang panggagamit at panghihiya sa kanyang pangalan.

Sobrang busy lang siguro ni katotong Zaldy.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply