RP chessers handa na sa 40th World Chess Olympiad

MANILA, Philippines— Ready at confident!

Ito ang kondisyon ng Philippine men’s team na ginabayan nina GMs Wesley So at Eugene Torre sa bisperas ng kanilang maagang send off sa pagtulak ng 40th World Chess Olympiad sa Agosto 27 hanggang Setyembre 10 na gaganapin sa Istanbul Expo Center sa Istabul, Turkey.

“Hope sa maliit na bagay na ito sa pag-host ng send off ay maka-inspire tayo sa mga atleta natin na kakatawanin ang bansa sa World Chess Olympiad sa buwang ito sa Turkey,” sabi ni Sportsman Daniel “Daddy Boy” Francisco ng Bangkal, Makati City na magsisilbing punong-abala sa maagang Send-Off ngayong Linggo sa isang Chinese restaurant sa Quezon City.

“It’s a young but talented team. But malaki maitutulong ni GM (Eugene) Torre sa team,” sabi ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president/chairman Prospero “Butch” Pichay  Jr.

“I like our chances in this Olympiad,” ani Tagaytay City Mayor at NCFP Secretary-General  Abraham “Bambol” Tolentino Jr. na nagbigay ng prediksiyon na mahihigitan ng Filipinos ang kanilang 50th-place finish sa 39th World Chess Olympiad sa Khanty-Mansiysk, Russia noong 2010.

Si So, ang country’s highest-rated player na may ELO 2652 ang magtatrangko sa top board, kasunod si GM Oliver Barbosa (ELO 2554) sa board two, Torre (ELO 2460) sa board three, GM Mark Paragua (ELO 2508) sa board four at IM Oliver Dimakiling (2428) sa board five.

Bukod sa men’s team, masisilayan din ang women’s squad na binubuo nina veteran campaigners WIM Catherine Perena, WFM Rulp Ylem Jose, WNMs Janelle Mae Frayna, Jedara Docena at Jan Jodilyn Fronda.

“Gaya ng men’s team natin maganda din ang women’s team natin at tiyak ko na mapapalaban ng husto.” sabi ni NCFP Executive Director GM Jayson Gonzales.

Ating magugunita ang Philippine team ay nakapagtamo ng 1.5-2.5 kontra sa final opponent, ang 48th seed Estonia, sa last edition ng World Chess Olympiad. Sa women’s division, ang 52nd seed Philippines ay nagtamo naman ng impressive victory sa tournament, matapos ungusan ang 61st seed Brazil, 2.5-1.5.
Tumapos ang Philippine ladies ng 44th place matapos ipatupad ang tie-break points.

FIDE-PHL Rating list for the month of August 2012

1. GM Wesley So (2652)
2. GM Oliver Barbosa (2554)
3. GM John Paul Gomez (2539)
4.GM Rogelio “Joey” Antonio Jr. (2548)
5.GM Julio Catalino Sadorra (2525)
6.GM Joseph Sanchez (2518)
7.GM Mark Paragua (2508)
8.GM Darwin Laylo (2489)
9. GM Roland Salvador (2484)
10. GM Eugene Torre (2469)
11. IM Rolando Nolte (2453)
12. IM Richard Bitoon (2442)
13. IM Ronald Dableo (2430)
14.IM Oliver Dimakiling (2428)
15. IM Rolly Martinez (2426)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply