Sa hangad na lalo pang sumikat… Derek Ramsay pinalaos ng TV5

SABI nga kapag naghangad ka ng sobra-sobra ay hindi maganda ang magiging resulta.

Tulad na lang ni Derek Ramsay na sikat, kumikita ang pelikula at pinag-aagawan sa endorsement noong nasa ABS-CBN pa.

But now, what happen to Derek nang mag-decide sila ng kanyang foreigner dad na lumipat sa TV5? Hayun, nganga ang hunk actor sa pag-aantay ng project na ibibigay sa kanya. At ang da height, pati ‘yung inalok sa kanya ng Kapatid network na hosting job para mag-cover sa London Olympics 2012 na idinaos last Friday (July 27) na kanyang iniilusyon, nadismaya ang fans dahil ipinalabas na ang buong coverage nito pero hindi man lang nasilayan kahit anino ng aktor.

Oo! Naipalabas nga ang full coverage nito sa AKTV sa IBC 13 na pag-aari rin ni Mr. Manny Pangilinan pero hindi nga nakita ang presence ng ex ni Angelica Panganiban. Sabi, baka raw sa Cignal TV naroroon si Derek. Hay naku! Hindi naman uso ang Cignal TV na ‘yan sa mga kababayan natin dahil sanay na sila sa Sky, Home Cable at Destiny Cable. Hayan kasi, hindi pa makuntento sa career niya sa Kapamilya network, biglang nalaos tuloy sa Singko.

Aanhin ni Derek ang milyones kung tigok naman ang career niya, aber? Dat’s a big big katangahan gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply