Sa RH Bill: PNoy ‘di makikipagkompromiso

SA KABILA ng kaliwa’t kanang pagtuligsa ng iba’t ibang sektor sa Responsible Parenthood Bill, nananatili ang posisyon ni Pangulong Benigno Aquino III na suportahan ito at walang balak na makipag-kompromiso sa mga obispo ng Simbahang Katoliko.

“When it comes to Responsible Parenthood, the position of the President remains the same. That he is against abortion; he is pro-life; he is pro-quality of life. Again, we’d like to stress that the President does not have any preference over artificial or natural family planning. Ang punto lang po ng Pangulo dito is that, the families—all the information should be made available to the families and the families will be the ones to decide based on their own values and their beliefs. Kung ano ang kanilang [ma]pag-desisyunan, that should be supported,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Wala namang problema sa Malakanyang kung patuloy na nag-iingay ang mga alagad ng Simbahan sa posisyon ng Pangulong Aquino dahil ang importante aniya ay maiparating sa publiko na kahit na anuman ang mangyari ay hindi na mababago ang posisyon ng  Chief Executive sa RP bill.

“We have always stated that when it comes to issues of national importance, we should concentrate on the merits and the demerits of a certain issue. So we can elevate public discourse on it. So, ngayon po, ang pinag-uusapan natin ‘yung House Bill 4244—ano po ba ‘yung mga objectionable, ano po ba ‘yung mga maganda? We have always advocated for an issues-based discussion on this,” ani Usec. Valte.

Samantala, iginiit naman ni Usec. Valte na may hiwalay na pondo ang pamahalaan mag-distribute ng condom sa pamamagitan ng department of Health (DoH) na taliwas  sa  itinuturo ng  Cahtolic Church.

“We have separate funding for natural family planning centers. So hindi po natin masasabi na meron nga pong preference kasi lahat po ng method [will be made available]. Hindi naman po tayo ‘yung pipili ‘nung method. Hindi po tayo mag-i-impose ng method. Depende po ‘yan doon sa mga pamilya at kung ano po ‘yung kanilang magiging desisyon pagkatapos po nilang mapag-aralan ‘yung mga options na available po sa kanila,” ani Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply