Sagupaang ‘The Reunion’ at ‘Just One Summer’ na parehong Graded B!

CONGRATS pareho sa The Reunion, ang Barkada movie event of the Year from Star Cinema, at mula naman sa GMA Films, para kilig at drama movie nila na Just One Summer na launching movie ng isa sa hottest love teams sa Kapuso network na sina Julie Ann San Jose at very Papable ang dating sa big screen na si Elmo Magalona.

Dahil sa ganda ng mga istorya at mahusay na direksiyon ni Frasco Mortiz (director ng The Reunion) at Mac Alejandre naman para sa Just One Summer, ganon na rin sa galing ng performance ng buong cast, parehong nakakuha ng graded B rating from Cinema Evaluation Board (CEB) ang mga nabanggit na films.

At ang maganda pa, kahit na sinalanta tayo ng bagyong si Helen ay parehong tinatao ang mga pelikulang ito sa mga sinehan nationwide. Honestly, pareho namin itong napanood at magkaiba ang kanilang tema. Pang barkada at buong pamilya ang The Reunion, samantalang pang lovers naman ang Just One Summer.

Sa movie ng Star Cinema, wala kang itulak-kabigin sa husay ng portrayal rito ng magkakaibigang sina Enchong Dee, Enrique Gil, Xian Lim at Kean Cipriano ganon na rin ng kani-kanilang mga partners na sina Julia Montes, Jessy Mendiola, Bangs Garcia and Megan Young.

Kuhang-huha ni direk Frasco ang pulso ng young generations kaya hit ang kanyang kauna-unahang big movie. Wala naman kaming masabi ni BFFT Pete A. at kaibigang Abe Paulite sa mga madramang tagpo sa pagitan ng mag-amang Elmo at Joel Torre at ang mga nakaka-inlove na scenes nila rito ng kalabtim na si Julie Ann.

Hanep din ang casting sa pangunguna ni Alice Dixson, Cherry Pie Picache, Gloria Romero, Sheena Halili at mga Kapuso teens.

Ang isa pang bentahe ng The Reunion ay ang OST o soundtrack ng kanilang movie featuring The Eraserheads, 6 Cyclemind, Itchyworms, Callalily, Mayonnaise, Clock 9, Yeng Constantino, Aiza Seguerra and many more.

At dahil naka-B nga ang mga pelikulang ito ay may 60% tax rebate sila. Parehong nagbukas ang mga ito last August 15, Wednesday at palabas pa rin sa Cinema’s nationwide.

***

Umuulan ng cash araw-araw sa Kaliwa Kanan Wave and win sa Eat Bulaga

ENJOY na enjoy na sa paglalaro araw-araw sa Kaliwa Kalinan Wave Wave Wave and Win Win Win ang mga studio audience sa Eat Bulaga.

Aba! Umuulan pa ng cash sa game contest ng programa kung saan tatlo sa winning team ang puwedeng manalo rito ng 10,000 bawat isa with matching gift pack pa at Eat Bulaga limited edition t-shirts.

‘Yung team captain naman ay may maiuuwing 2K plus EB limited edition jacket. At lahat ng mga naglarong team ay tatanggap ng gift pack mula sa pagkasarap-sarap na Valley Farm Luncheon Meat at t-shirts rin.

Sa bahay naman, puwedeng sumabay na maglaro rito. I-post lang kaagad ang code na inyong makikita sa TV screen at instant pwede na kayong magwave at win win rito.

Ilan sa mga premyong pwede ninyong mapanalunan ay 2 Oplus 6.3 wifi phone at 3 pcs of Eat Bulaga limited edition Jacket at Dabarkads pass for 5 persons atbp.

Narito pala ang dalawang nagwagi ng Oplus 6.3 wifi Phone last August 14 sina Dimple Golla at John Lex Bal. At sina Kris Ann Calderon at Norma Landingin naman ang mga nanalo ng EB jacket.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply