Salisi nadakip

KULONG ang isang lalaki matapos kunin ang bag ng may-ari ng botika sa Caloocan City, Sabado ng umaga, Agosto 11.

Nakilala ang suspek na si Romeo Sesmoan, 24 ng Lakandula st., Tondo, Manila.

Batay sa ulat, dakong alas-11 ng umaga, pumasok sa loob ng Cyrolle Pharmacy sa Samson Road ng lungsod ang suspek at kinuha ang bag ng may-ari na si Cely Cleotilde bago nagmamadaling lumabas.

Napansin ng biktima ang ginawa ng suspek na naging dahilan upang magsisigaw na nakatawag pansin sa mga barangay tanod na naging dahilan upang habulin si Sesmoan.

Inabot ang suspek at dinala sa presinto habang nabawi ang mamahalin bag ng biktima na naglalaman ng pera at cellphone.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply