SALN ni Chief Justice Sereno isinapubliko na

OPISYAL nang inilabas ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa publiko ang kanyang statement of assets liabilities and networth (SALN) sa taong 2011 na umabot sa mahigit  P18 million ang kabuuang halaga.

Nakasaad sa  isang pahinang kopya ng SALN ni Sereno na sa December 2011 ay umabot sa P8,281,500 ang kabuuang halaga ng kaniyang real properties na nabili sa Filinvest East, Cavite at Davao mula 1997 hanggang 2011.

Habang  P1,175,000 naman ang halaga ng kanyang tatlong sasakyan na Toyota Altis 2005 model na nabili niya noong 2005, Toyota Corolla 1997 model at 2nd hand na mitsubishi lancer na nabili niya noong 2002.

Nasa P1,185,602.60 naman ang cash sa bangko ni Sereno at P1,203,400 ang kanyang investment, habang may tinanggap din itong P1.08 milyon na kabuuang allowance nitong nakaraang taon.

Tinatayang P1,242,203.34 naman ang kanyang kabuuang liabilities kasama na ang mga utang sa credit card, loan at iba pang payables.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply