Isinapublikong SALN ni CJ Sereno kahapon, mali

“UNCORRECTED version” umano ang naipamahaging kopya ng 2011 SALN ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa media na isinapubliko nito kahapon.

Sa statement mula sa tanggapan ng Punong Mahistrado, nilinaw dito na mali ang kopya ng 2011 SALN ni Sereno.

Sa tamang SALN, lumalabas na ang total assets ni Sereno ay P19,271,778.85 taliwas sa naunang deklarasyon na P19,227,578.85

“The correction of the SALNs of the members of the Court has been authorized by the Court en Banc,” ayon sa statement mula sa tanggapan ng Chief Justice.

Sa corrected version ay nakalagay din na may pagkakautang si Sereno na P116,692.24 kay Ma. Sophia Sereno at Ma. Lycette Ramos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply