Salvage victim isinilid sa drum sa Parañaque City

HINIHINALANG biktima ng “summary execution” ang isang lalaki na natagpuang nakasilid sa drum at itinapon sa gilid ng isang maliit na sapa kaninang umaga sa Baclaran, Parañaque City.

Hindi kaagad nakapagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang alamin ang mga bagay na pagkakakilanlan sa bangkay matapos mabigo ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na makapagresponde kaagad sa lugar.

Napag-alaman na dakong ala-1 pa ng madaling-araw nang mapansin na ng mga residente sa Santiago Ext. kanto ng Riverside St., Baclaran ang drum subalit dakong alas-10 na ng umaga nang matuklasan nila na bangkay ng lalaki pala ang laman nito matapos umagos ang dugo sa gilid ng drum.

Una ang ulo nang isilid ang bangkay kaya’t lumabas ang mga paa ng lalaki sa pinakabunganga ng drum.

Wala isa man sa mga naninirahan sa naturang lugar ang nakakilala sa bangkay kaya malaki ang paniniwala ng pulisya na itinapon lamang sa naturang lugar ng mga salarin ang bangkay upang iligaw ang pulisya sa isasagawang imbestigasyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply