Salvage victim natagpuan sa Brgy. UP Campus

NATAGPUAN ang bangkay ng isang pinaniniwalaang biktima ng summary execution sa Barangay University of the Philippines (UP) Campus, sa Quezon City kaninang madaling araw.

Bukod sa tama ng bala sa kanang bahagi ng ulo ay may senyales rin na pinahirapan muna bago pinatay ang ‘di nakikilalang lalaki na inilarawan na nasa 30-33 anyos, 5’5, may katam-tamang pangangatawan at nakasuot ng T shirt at maong pants.

Sinabitan din sa leeg ang salvage victim ng isang karatulang may nakasulat na “Holdaper Ako, susunod na kayo.”

Blangko naman ang mga tauhan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kung sino ang naglikida sa biktima pero tiniyak na tropang galit sa mga taong tinik sa lipunan ang may kagagawan nito.

Ayon kay SPO1 Robert Cahila, natuklasan ang bangkay ng mga taong naghahanap na mapapakinabangan sa mga nakatambak na basura sa Arburetum Forestry, Barangay UP Campus dakong ala-1:25 ng madaling araw.

Ini-report naman agad ng mga nakadiskubre sa pulisya ang kanilang natuklasang bangkay.

Hindi ito ang unang beses na may natagpuang patay sa nasabing barangay na nasa likod lamang ng UP-Ayala Land TechnoHub.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply