Salvage victim, pinaanod sa ilog Pasig

NAAAGNAS na nang matagpuan na palutang-lutang sa Pasig river sakop ng Binondo ng bangkay ng isang lalaki na may tai ng GI wire na hinihinalang biktima ng salvage sa Maynila kaninang madaling araw.

Inilarawan ang biktima na may edad sa pagitan ng 30-35 anyos, may taas na 5’4 hanggang 5’7, miyembro ng Commando Gang, may tattoo na “Bonengs” sa kaliwang balikat at “SSC” sa kanang balakang, nakasuot ng dirty white na t-shirt at checkered na short pants.

Ayon kay SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 3:00 ng madaling araw nang nadiskubre ang bangkay ng biktima sa tubig ng Pasig River sakop ng Area C Gate 54, Parola compound, Binondo, Manila.

Ang bangkay ng biktima ay nadiskubre umano ng isang Rolando Nepomocenu, 54, isang caretaker ang nakapansin sa lumulutang na katawan ng biktima kaya ipinagbigay alam kay Bgry. Chairman Willy Masakayan ng Brgy 275 Zone 25 at sa tulong ng iba pang brgy officials at residente ay hinila sa pamagitan ng tali ang katawan ng biktima upang hindi ito tuluyang matangay ng malakas na alon.

Nabatid na nagtamo ng dalawang tama ng saksak sa dibdib at kanang bahagi ng kanyang katawan ang biktima bago ito itinapon sa ilog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply