Sam Pinto, Phil–Australian athlete ang bago!

LALONG napadadalas raw ang pagdi-date nina Sam Pinto at isang Phil-Australian surfer at model. Maaaring tuluy-tuloy na ang relasyong ito. Dati’y laging sinasabi ni Sam sa taping ng  Bubble Gang kapag nakikita namin siya doon ay priority niya ang kanyang career kaysa sa boys.

Pero, iba na nga ang status ngayon ni Sam. Mas kilala na siya lalo na’t dalawang beses na siyang nahirang na FHM Sexiest Woman sa magkasunod na taon. Ibang klase talaga ang kaseksihan ngayon ng alaga ni Ms. Claire dela

Fuente kaya sa Bubble Gang, sikat na sikat siya bilang si Neneng sa portion na Boy Pick Up ni Ogie Alcasid. Di siya nawawala sa show tuwing taping bilang isa sa pinakamagagandang Bubblets.

Ngayong Friday sa Bubble Gang, guests sina Paolo Contis, Chariz Solomon at Jacky Woo.

Kabilang sa aabangan ay ang gags tungkol sa Break-in. May spoof sa commercial ng Lucky Me ni Kris Aquino. Tapos, di rin mawawala ang Pick Up lines na tungkol naman sa courting ng girls. Magbabalik Ang Dating Doon na team nina Brod Pete, Brod Willy at Brod Jocel.

000

HABANG tumatagal si Bea Binene sa magulong daigdig ng showbiz, maraming bagay siyang ibig patunayan sa kanyang daigdig na pinasukan. Dahil sa success ngayon ng Luna Blanca sa rating games, hindi na mapapasubalian ang ga- ling ni Bea sa pag-arte.

Siyempre, gayundin ang mga kasama niyang sina Barbie Forteza, Kristoffer Martin at Derrick Monasterio.

Pero si Bea ay di lang sa acting nag-e-excel. Magaling rin siya sa wushu at swimming. At ngayon naman ay gusto niyang patunayan sa showbiz na marunong din siyang kumanta.

Kaya abangan din ng fans ang Bea na kumakanta sa Party Pilipinas. Di lang siya sasayaw, kakanta pa rin siya at the same time.

Anyway, dapat nating abangan sa Luna Blanca kung nakaligtas sa hukay si Luna (Bea Binene) dahil uli kay Devo- las. Ginantihan din ni Devolas sina Ashley (Ryza Cenon) at Vince (Dino Imperial). Naging palaisipan na kay Lu- na ang sunud-sunod na mahihiwagang pagliligtas sa kanya ng di nakikitang si Devolas.

Aatras na sana sina Luna at Nida (Gina Alajar) sa beauty contest pero nagpakumbinsi si Luna sa kunwaring pag- suporta ni Ashley. Kaya natuloy nila ni Vince ang pagpapahiya kay Luna sa gabi mismo ng contest.  Binuhusan nila ito ng harina.

Dahil sa pagkasugat ni Joaquin (Kristoffer Martin) at pagkaka-estranded nila sa lumang bahay, lalong nagkala- pit at nagkakilala sina Joaquin at Blanca (Bea Binene). Nalaman ito ni Kate (Yassi Pressman) kaya nagalit si- yang lalo kay Blanca at itinulak niya ito sa putik.

Namaga ang mukha ni Ashley sa kagagawan ni Devolas. Tipong naniniwala na si Luna sa mga engkanto.

Sa concert ni Joaquin, palihim na pinakunan ni Kate ng video ang paghalik niya kay Joaquin. Pinalabas niya ito nang magsimula ang concert. Nagulat ang lahat sa napanood kaya nasaktan si Blanca.

Nahulog sa kumunoy si Luna, lumabas muli si Anino at tinulungan siya. Lumabas rin si Devolas at natakot si Luna rito.

Ipinakilala ni Anino kay Luna si Devolas bilang isang kaibigan. Nalaman ni Luna na si Devolas ang tumutulong sa kanya. Parang nakumbinsi si Luna na mga kaibigan nga ang nakilala niya sa gubat.

Dahil sa video, naisip ni Blanca na malayo talaga ang agawat nila ni Joaquin pero pinuntahan pa rin siya nito at pinilit na muli silang magkita at mag-usap sabay sabing gusto niya si Blanca.

Lalong lumala ang mukha ni Ashley at bigla rin itong hindi makahinga. Napagaling siya ni Luna sa tulong ni De- volas. Pero lalo niyang inakusahan na mangkululam si Luna.

Sumabog ang galit ng huli dahil hindi siya tanggap ng mga tao.

Pumunta si Blanca sa usapan nila ni Joaquin pero hindi ito sumipot. Muling nasaktan si Blanca. Hindi nakarating si Joaquin dahil sa tawag na malubha raw ang lagay ng kapatid nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply