Sama ng panahon nalusaw na

NALUSAW na ang isang sama ng panahon o low pressure area na binabantayan ng PAGASA sa hilagang Luzon kaninang umaga.

Ayon sa PAGASA hindi na naging bagyo ang LPA na namataan sa layong 1,170 kilometro ng silangan ng Hilagang Luzon.

Nabatid kay Jun Galang forecaster ng PAGASA ang nararanasang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ay dahil sa South West Moonsoon o Hanging Habagat na nagdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Kaugnay nito, isang bagyo ang mahigpit na binabantayan ng Pagasa  na namataan sa  North East Luzon subalit malayo itong makapasok sa Philippine area of responsibility dahil lumihis na ang direksyon nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply