Sama-samang panalangin kay Robredo, hiniling

NANAWAGAN si Senador Ramon “Bong” Revilla ng sa mga Pilipino na sama-samang manalangin para kay Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Aniya, bagaman patuloy ang paghahanap kay Robredo at sa dalawa pang piloto na kasama nito ay umaasa na makikita agad ang mga ito.

“Despite the odds against him, we are still hoping for his safety and successful rescue,” ani Revilla.

Iginiit ng senador na si Robredo ay isang haligi ng administrasyong Aquino dahil sa hindi matatawarang paglilingkod at dedikasyon nito sa trabaho bilang kalihim ng DILG.

Ani Revilla, isang dekada na niyang kilala at kaibigan si Robredo at personal nitong nasaksihan ang pagiging totoong taong maka-Diyos at mapagmahal sa kapwa.

“Para sa kanya, walang pulitika.  Ang tama ay tama, at ang mali ay mali. Kahit nga hindi kami naging magkapartido ay hindi ito naging hadlang para kami ay magtulungan para mapaglingkuran ang ating mga kababayan,” diin ni Revilla.

Kasabay nito, saludo rin ang senador sa walang tigil na paghahanap kay Robrero na umaasang hindi mapanghinaan ng loob at pagod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply