Palafox: San Juan isa sa disaster-prone areas

IPINAHAYAG ni Urban Planner Architect Jun Palafox na ang San Juan ang isa sa disaster prone areas sa Metro Manila.

Dahil dito, umaasa si Palafox na masusunod ang mga rekomendasyon niya sa paghahanda sa mga kalamidad

Umaasa si Palafox na masusunod ang 60 niyang rekomendasyon bilang paghahanda sa panahon ng kalamidad.

Una nang nagbigay si Palafox ng rekomendasyon kay Pangulong Noynoy Aquino matapos humagupit ang bagyong Ondoy sa bansa.

Sa pagtaya ni Palafox, aabot sa pito hanggang 10 taon bago magbenepisyo rito ang taumbayan.

Inisaisa rin ni Palafox ang inihahandang strategic development plan sa San Juan na isa sa disaster-prone areas.

Ang Maynila ay nasa gitna ng ilog Pasig at ilog ng San Juan. Walang malabasan ang tubig sa napakaraming estero ng mga nagsisiksikang barangay dito. Laging sigaw ng tao ay rubber boats, dagdag na dike walls at pumping stations sa mga estero.

Sinasabi ni Palafox ang bilang ng mga casualties sakaling tamaan ng magnitude 7 na lindol ang Metro Manila.

Ang sinisikap ni  Palafox na mabigyan ng tamang babala ang mga nasa Metro Manila laban sa malakas na lindol tulad ng nangyari sa Japan.

Dahildito pinuna ng Palasyo ang madalas na radio interview ni Palafox kung saan nito inilalahad ang pag-aaral na nagsasabing aabot sa 34,000 ang mamamatay kung magnitude 7.2 ang tatama sa Metro Manila, 110,000 ang masusugatan at maraming gusali ang masisira.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply