Sanggol patay sa meningococcemia

ISANG isang-buwang sanggol na hinihinalang may meningococcemia ang namatay kahapon, Agosto 7, sa isang district hospital sa Tondo, Maynila.

Nabatid na dinala sa Tondo Medical Center ang sanggol bandang alas-10:00 ngunit namatay din makaraan ang ilang oras.

Ayon pa sa ulat, nagkaroon ng ubo at sipon ang sanggol at nahirapang huminga ito nang isugod sa ospital.

Ngunit kinokonsidera pa rin ng mga doctor ang nakitang mga bruise-like mark sa braso ng sanggol na sintomas ng sakit na meningococcemia.

Nasawi ang sanggol habang nilalagyan ng intravenous medicine at oxygen ng mga doctor.

Pinayuhan din ng mga doctor ang magulang ng sanggol at mga kapitbahay na uminom ng gamot upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply