Santiago kay Sereno: Psycho test, isapubliko

HINIMOK ni Senador Miriam Defensor Santiago si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na isapubliko hindi lang ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) kundi maging ang resulta ng psychological test na ibinigay dito ng Judicial and Bar Council.

Ayon sa senador, sa SALN ni Sereno, kailangang maipaliwanag kung totoo o hindi ang bintang na hindi nito idineklara ang umano’y $25 million na kompensasyon nito bilang abogado sa Piatco-NAIA3 arbitration case.

Binigyang-diin pa ni Santiago, makabubuti rin umanong isapubliko ang resulta ng psychological test ni Sereno at iba pang naging nominees sa pagka chief justice para magkaalaman kung sino ang bumagsak.

May mga ugong na ibinagsak ni Sereno ang psychological tests na nakuha nito na 4 at umano’y kakaiba ang ugali nito dahil nambubulyaw sa mga kapwa mahistrado sa kanilang En Banc Sessions.

Diin ni Santiago, kailangan itong sagutin ni Sereno para patunayan na taglay niya ang integridad bilang pinuno ng buong hudikatura.

Samantala, sinabi ng senadora na hindi na dapat pagtakahan kung inisnab ng Senior Justices ang oath-taking ni Sereno kamakailan sa Malakanyang at ang ilang aktibidad sa Supreme Court  para kay Sereno.

Binigyang-diin ni Santiago, na natural na masama ang loob ng senior justices dahil naungusan ni Sereno na pinaka-junior sa SC at magiging chief justice pa ito sa susunod na 18 taon.

Ayon sa Senadora, masaklap kung hindi mapaplantsa ang tension sa SC dahil hindi maaring makaapekto sa mga desisyong ipalalabas ng SC at maaring maka unsyami sa mga programang balak isulong ni Sereno.

Wala namang isyu si Santiago sa credentials ni Sereno pero itinuturing niyang anomalous ang 18 taon nitong termino.

Kapag naka-10 taon na si Sereno, sinabi ni Santiago na dapat ay iparepaso ang performance nito at magkusa na itong ipakilatis ang kanyang panunungkulan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply