Santo Papa nanalangin para sa flood, quake victims

IPINAABOT ni Pope Benedict XVI ang kanyang pakikiramay at taimtimm na pagdarasal para sa mga biktima ng pagbaha sa Pilipinas at China, gayundin sa mga namatay bunsod ng kambal na lindol na yumanig sa Iran.

Ayon sa Santo Papa, ipinagdarasal nito ang kaluluwa ng mga nasawi habang hangad na makabangong muli ang mga masuwerteng nakaligtas.

Ginawa ni Pope Benedict ang pahayag kasabay ng pagdarasal ng Angelus sa Rome.

“My thoughts at this moment are with the Asian populations, especially those in the Philippines and the People’s Republic of China who have been hit by torrential rain,” wika ng mahal na papa.

Nabatid na nasa 92 na ang bilang ng mga nasawi bunsod ng pagbaha sa Pilipinas dulot ng Habagat habang 16 naman ang iniwang patay ng Typhoon Haikui sa China.

Sa magkasunod naman na lindol sa Iran, umakyat na ngayon sa 300 ang bilang ng mga namatay habang halos 1,400 ang sugatan.

“These events have claimed numerous victims and injured many, led to thousands being displaced and caused serious damage,” dagdag ni Pope Benedict. “Our brothers have our solidarity and our support.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply