Sasakyan ng utol ni Ramgen, sumalpok sa jeep

SUGATAN ang lima katao kabilang ang nakababatang kapatid ng napaslang na si Ramgen Revilla nang sumalpok ang minamanehong sasakyan nito sa isang pampasaherong jeepney Las Piñas City kaninang madaling-araw.

Nasa ligtas nang kalagayan sa pagamutan si Gail Bautista Furuyama, 21, gayundin ang apat na pasahero ng jeepney na may mga gasgas sa katawan.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-5 ng madaling-araw sa Alabang-Zapote Road, harapan ng Golden Gate, Talon 3.

Nauna rito, minamaneho ni Furuyama ang isang Nissan Patrol nang pasukin ang isang “one way street” sa lugar kung saan ay binabagtas din ng isang pampasaherong jeepney na nagresulta ng kanilang pagsasalpukan.

Nagtamo ng gasgas at sugat ang mga pasahero kung saan ay sinagot lahat ni Furuyama ang pagpapagamot.

Nagdesisyon ang mga pasahero na huwag nang sampahan ng kaukulang kaso si Furuyama makaraang pangakuan sila ng huli na hindi pababayaan.

Gayunman, nahaharap pa rin sa kasong reckless imprudence si Furuyama makaraang isyuhan tiket ng traffic police.

Napag-alaman naman na nakainom ng alak si Furuyama nang mangyari ang aksidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply