SB: Pagpapagamot ni GMA abroad ipaubaya sa doktor

PINAYUHAN ngayon ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte ang minorya sa Kamara na ipaubaya na lamang sa mga doktor ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kung dapat o hindi dapat ito magpagamot sa ibang bansa.

Ayon kay Belmonte, tanging ang mga manggagamot lamang ni Ginang Arroyo ang makapagsasabi kung ano ang tunay na kalagayan ng kalusugan ng dating Pangulo.

Paliwanag pa ni Belmonte, ito ay isang medical issue at ipaubaya na lamang sa mga doctor ang pagbibigay hudyat sa dapat na gawin sa dating Pangulo at hindi ang mga politiko.

“As I said, it is not for politicians like us to talk about whether medical processes are needed or not.  So far, I have not really heard a single doctor saying anything, it is just political leaders saying this or saying that.”

Ayon sa speaker, ang mga ganitong usapin ay hurisdiksyon na rin ng korte at hindi na dapat pakialaman ng sinuman.

“I think it’s time that we ought to hear from the doctors themselves so that it would not be a political issue and will remain medical issue. Let’s face it this is a medical thing. At any rate, we are now at the stage of the jurisdiction of the court rather than political authorities,” sinabi pa ni Belmonte.

Kasabay pa nito, ay itininanggi rin ni Belmonte ang tungkol sa resolusyon ng nminorya na humihiling para sa lahat ng tulong na maibibigay ng Mababang Kapulungan kay Arroyo.

Wala din aniyang binabanggit sa kanya ang minorya kahit si House Minority Leader Danilo Suarez sa nasabing isyu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply