Sec. Robredo sinalubong ng .1-M Nagueños

BALIK Naga City na ang labi ni DILG Sec. Jesse Robredo kung saan sinalubong pa ng 100,000 Nagueño kaninang umaga.

Halos tatlong kilometro ang haba ng convoy ng namayapang kalihim habang nakaabang sa gilid ng mga lansangan ang kanyang supporters bitbit ang mga dilaw na ribbon, banderitas, placards at streamers na may nakalagay na mga mensahe para sa namayapang dating opisyal.

Pasado alas-10:47 kaninang umaga nang dumating sa City Hall ang labi ni Robredo at binigyan kaagad ng arrival honors ng PNP.

Sinalubong din ito ng anim na honorary pallbearers na pinangunahan ni Mayor John Bongat at ng matalik na kaibigan ng kalihim na si Vice Mayor Gabby Bordado.

Bagama’t nananatiling matatag, bakas sa mukha ng maybahay ng yumaong kalihim na si Atty. Leni at mga anak na sina Aika, Patricia at Jillian ang labis na kalungkutan.

Pawang nakasuot ang  mag-iina ng itim na damit.

Matapos maipasok sa Naga City People’s Hall ang metal casket ni Robredo, agad sinimulan ang misa na dinaluhan ng kanyang mga kaanak, katrabaho, kakilala at mga malalapit na kaibigan.

Ngayon namang alas-3:00 ng hapon ay inaasahan namang bubuksan na ang public viewing sa labi ng kalihim.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply