Security aide ni Mayor Echiverri, arestado

INARESTO ng mga awtoriad ang security aide ni Caloocan Mayor Recom Echiverri matapos manutok ng baril sa isang binatilyo sa La Naval street, Lagro Subdivision, Quezon City.

Batay sa pahayag ng biktima pinarada niya sa tapat ng kanilang bahay ang kanyang kotse nang bigla na lamang siya lapitan ng suspek na si Samuel Gidapin, 34-anyos, at tinutukan ng baril.

Ayon sa menor de edad na biktima, lasing umano ang suspek at dahil na rin sa takot ay hindi na niyang nagawang bumaba sa sariling kotse.

Kasalukuyan nang nakapiit ang suspek habang inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong grave threat na isasampa laban sa security aide ni Echeverri.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply