Sekretarya, arestado sa pambubulsa ng P1.4M

KINASUHAN ng isang doktor ang kanyang sariling sekretarya nang hindi nito idineposito sa bangko ang kanyang pera na mahigit sa P1.4 milyon.

Sinampahan si Heidi Robiato, 33-anyos, ng kasong qualified theft at falsification of commercial documents sa Quezon City Prosecutors’ Office.

Sinabi ng biktimang si Dr. Elizabeth Israel, 60-anyos, na naghinala siya nang biglang tumawag ang general manager ng kanyang bangko at sinabi na ang tseke na kanyang inisyu ay tumalbog sanhi ng kawalan ng pondo.

Sinabi ni case investigator PO2 Hermogenes Capili ng Quezon City Police District’s Criminal Investigation and Detection Unit, na nang tingnan ni Israel ang kanyang bank book ay may nakita siyang mga handwritten notes na nagdedetalye sa deposito na kanyang inutos kay Robiato noong Setyembre at sa unang araw ng linggong kasalukuyan sa halip na validating machine ng bangko.

Dahil dito, nagduda na si Israel na hindi idineposito ni Robiata ang nasabing halaga ng pera kaya ipinaaresto na niya ang suspek sa bahay nito sa Antipolo City.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply