Sekyu binaril na, nasagasaan pa ng cargo truck

DOBLENG kamalasan ang inabot ng isang guwardiya matapos na barilin ng holdaper at masagasaan pa ng cargo truck kagabi sa Tondo, Maynila.,

Dead on the spot ang biktimang si Nemencio Garsola, guwardiya at nakalatalaga sa North Harbor.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima mula sa di nakilalang mga holdaper.

Sa report ng Manila Police District, rumisponde lamang umano ang biktima sa isang mag-asawa lulan ng taxi cab na hinoholdap ng hindi pa nakikilang suspek sa tapat ng Philippine Ports Authority (PPA) sa North Harbor, Tondo, Maynila.

Nakita naman ito ng suspek at agad siyang binaril sa ulo. Nang humandusay sa sementadong kalsada ay bigla naman nasagasaan ng cargo truck.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply