Sekyu todas sa leptospirosis sa Maynila

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Ospital ng Maynila na isang sekyu na pasyente nila ang binawian ng buhay dahil sa sakit na leptospirosis.

Ayon kay Dr. Evangeline Morales, Director ng Ospital ng Maynila, ang pasyente na isang lalaki at mula sa Tondo, Maynila ay isang security guard ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Nabatid na noong Sabado isinugod sa Ospital ng Maynila ang bitkima ngunit hindi na nakaya pa ng gamot ang kanyang kondisyon.

Sa ngayon, ayaw pang ibigay ni Director Morales ang buong pagkakakilanlan ng nasawing biktima.

Nabatid pa kay Director Morales na mula noong Sabado ay lima na ang kumpirmadong kaso ng leptospirosis na isinugod sa kanilang ospital.

Ang tatlo dito ay noong Sabado, habang dalawa naman ang isinugod nitong Lunes at Martes, sa kasagsagan ng pananalasa ng Habagat.

Samantala, walo naman ang mga kaso ng dengue na naitala sa Ospital ng Maynila, tatlo ay na-confine noong Lunes at Martes habang lima naman ay isinugod kagabi.

Sa tala ng ospital aabot na sa bilang na 259 ang pasyente nito lamang Agosto 6 at 7 simula nang isailalim ito sa Code Red Alert na hanggang sa mga oras na ito ay patuloy pa ring ipinatutupad.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply