Selosang buntis, aburidong mister nagbigti

PAGBIBIGTI ang naging solusyon ng 37-anyos na ginang at siyam na buwang buntis dahil sa sobrang selos sa hinalang may ibang karelasyon ang aswa sa Binondo, Maynila, habang nagbigti rin ang isang aburidong mister sa Tondo sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang unang biktima na si Lorena Homeres, ng Gate 46 area B, Parola Compound, Binondo.

Sa report na ipinarating ni Sr. Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section sa tanggapan ni District Director, Chief Supt. Alejandro Gutierrrez, naganap ang pagpapatiwakal ng ginang nitong Agosto 19, dakong 11:00 ng hatinggabi.

Sa naantalang ulat ng pulisya, isang Romulo Odang, ka-live-in ng biktima ang nagsabing malimit na magselos ang kanyang kinakasama magbuhat ng ito’y magbuntis.

Lumilitaw pa sa pagsisiyasat ng pulisya na mismong anak ng biktima sa kanyang unang asawa ang nakadiskubre sa nakabiting ginang gamit ang kable ng kuryente.

Samantala, pagkaaburido sa buhay ang naging dahilan para kitlin ang sariling buhay ng 25-anyos na mister sa kanilang bahay sa Tondo kaninang umaga.

Nagawa pang maisugod sa Jose Reyes Memortial Medical Center, subalit patay na ang biktimang si Mark Paulo Aliga ng 762 Arqueroz St., Dagupan, Tondo.

Sa ulat ni Det. Amelito Lopez ng Manila Police District (MPD)-Crime Against Persons Investigation section, dakong 6:45 ng umaga nang madiskubreng nakabigti ang biktima ng kanyang mismong ina na si aling Virginia  sa loob ng kanilang bahay.

Napag-alaman na bago nagpakamatay ang biktima ay  nagpaalam pa ito sa kanyang asawa na si Clarita ngunit hindi ito pinasin ng huli.

Ilang oras ang nakalipas ay nakita na lamang ng kanyang ina ang  biktima na nakabigti sa kisame ng kanilang bahay gamit ang isang kumot.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply