Sementeryo hinagupit ng ipo-ipo, 2 nitso gumuho

BUMIGAY ang dalawang nitso na apartment type at nailabas ang dalawa ring bangkay makaraang manalasa ang malakas na ipo-ipo  sa Tugatog Cemetery sa Malabon kaninang madaling araw.

Nabatid na lumantad ang dalawang bangkay na dalawang linggo pa lamang naililibing  dahil sa lakas ng ipo-ipo.

Base sa pahayag ni  Titoy Maturan, caretaker ng naturang sementeryo, hindi pa masyadong matibay ang magkapatong na nitso kaya bumigay ito sa lakas ng hagupit ng ipo-ipo.

Pansamantalang inilagak ang mga bangkay sa dalawang bakanteng hukay habang inaayos ang nitso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply