Sen. Bong at Sen. Jinggoy mabango sa Bulacan

ANG actor-senator na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada ang mabango sa Bulacan.

Kaibigan nina Mayor Christian Natividad ng Malolos at Mayor Ferdie Estrella ng Baliwag si Sen. Bong.

Iniendorso rin nina Sen. Bong at Sen. Jinggoy ang mga kaibigan Mayor Christian at Mayor Ferdie. Nagpapasalamat naman ang magkaibigang Mayor Christian at Mayor Ferdie sa tiwala at suporta ng dalawang Senador. Mabuhay po kayo sa Malolos at Baliwag.

***

VG Daniel Fernando, abala sa pagtulong sa mga nabaha

HALOS walang pahinga na sina Vice Gov. Daniel Fernando at Gov. Willy Alvarado sa pagtulong sa mga biktima ng hagupit ng Habagat na baha. Nililibot nina Vice Gov. Daniel ang mga Bayan na nabiktima ng baha. Dahil dito lalong napamahal sa mga Bulakenyo ang tambalang Gov. Willy at Vice Gov. Daniel Fernando. Saludo ang mga Bulakenyo sa inyo.

***

Tina at Derrick Monasterio like mother, like son

NAKIKITA namin ngayon sa personality ni Derrick Monasterio ang kabaitan at kagandahang loob ng kanyang mother actress na si Ms. Tina Monasterio. Alam ba ninyo na si Ricky Belmonte ang nakatuklas kay Tina noon? Congratulations sa mother and son team.

***

Jake Vatgas, hinihintay sa Pulilan

ANG sikat na bagets actor na si Jake Vargas ay hinihintay ng kanyang mga fans sa Pulilan, Bulacan. Sang-ayon kay Magda Cruz, President ng Fans Club, meron silang Fans Induction soon.

Welcome Jake sa Pulilan.

***

Bituing Marikit Award para kina Ms. Gloria Romero, Ms. Rosa Rosal at Ms. Anita Linda
 
PLANO naman ni Madam Cora Santos na mahilig sa mga Golden Stars na magbigay ng Bituing Marikit awards para sa Reyna ng Sampaguita na si Ms. Gloria Romero, sa Reyna ng LVN na si Ms. Rosa Rosal, at sa Reyna ng Premiere na si Ms. Anita Linda.

Isa kami sa nakikiisa sa Bituing Marikit Award para kay Ms. Gloria Romero, Ms. Rosa Rosal at Ms. Anita Linda.

MABUHAY!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply