Sen. Bong, Sen. Jinggoy, at Sen. Lito, saludo si Vice Gov. Daniel Fernando

LABIS ang paghanga at papuri ng actor Vice Gov. Daniel Fernando ng Bulacan sa kasamahan niya sa showbiz na sina Sen. Bong Revilla, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Lito Lapid.

Saludo siya sa 3 at sinabing sila ang kanyang idolo. So far, mabango sa Bulacan ang pangalan ng 3 actor-senator.

Samantala, nagpapasalamat ang mga taga Bulacan kina Gov. Willy at Vice Gov. Daniel Fernando dahil sa pagtulong at pagsagip nila sa mga nabaha.

Napatunayan nila na talagang maasahan sa kagipitan sina Vice Gov. Daniel Fernando at Gov. Willy.

***

Paulo Avelino vs  Coco Martin sa Maharlika award

IPINAHAYAG ni Atty. Nympha Aquino ng Gawad Maharlika Award na pinagpipilian pa nila kina Paulo Avelino vs Coco Martin ang Most Outstanding Actor Award.

Pero balitang balwarte ni Paulo Avelino ang Bulacan at marami siyang fans rito kesa ke Coco.

Abangan na lang natin kung sino sa kanila ang magwawagi sa Gawad Maharlika Award.

***

Jake Vargas vs Derick Monasterio, labanang parehong panalo

SANG-AYON kay Atty. Nympha Aquino ng Maharlika Award, ang labanang Jake Vargas vs Derick Monasterio ang laba- nang parehong panalo. Parehong nagwagi sa Gawad Maharlika sina Jake at Derick. Congrats kina Mommy Daleng ng Pulilan na mother of Jake Vargas at kay Ms. Tina Monasterio, actress Mother of Derick. Congratulations po.

***

Big four sa Bulacan

ANG Big Four Public Servants sa Bulacan ay sina Congresswoman Marivic Alvarado, Vice Gov. Daniel Fernando, Mayor Christian Natividad of Malolos and Mayor Ferdie Estrella of Baliwag.

Silang apat ang mabango ang pangalan sa Bulacan. Lagi silang panalo sa elections. Mabuhay sina Cong. Marivic Alvarado, Vice Gov. Daniel Fernando, Mayor Christian at Mayor Ferdie.

***

Pinanabikan ang muling pagkikita nina BB Gandanghari at Carmina V.

KUNG sina Zoren L at BB Gandanghari ay nagkita na, kelan naman daw kaya magkikita sina BB Gandang Hari at Carmina V.
Sang-ayon kay Zarina Zobel, president ng Fans Club ni BB Gandanghari, okay lang sa Idol BB nila ang muling pagkikita.

Aktibo ang Fans club na ito  ni Bb. Gandanghari at sang-ayon kay Zarina Zobel, handa nilang ipaglaban ang kanilang idolo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply