Sen. Sotto pinuri ng mga obispo

PINAPURIHAN ng mga Catholic bishops si Senador Vicente Sotto III kaugnay ng expose nito hinggil sa kontrobersyal na Reproductive Health (RH) bill.

Matatandaang naging emosyonal si Sotto nang sabihin nito noong Lunes na personal na misyon niya na harangin ang pagpapasa ng panukalang batas matapos na mamatay umano ang kanyang anak na lalaki dahil sa side effects ng contraceptive.

Sa pagpapatuloy naman ng kanyang talumpati sa Senado kahapon, Miyerkules, ibinunyag ni Sotto na ilang international lobby groups ang nasa likod ng panukala at ang kanilang motibo ay mapayagan ang pagsasagawa ng aborsyon sa bansa.

Partikular na tinukoy nito na nagsusulong umano sa pagpapasa ng RH bill sa Pilipinas ang International Planned Parenthood Federation, na matagal nang nagkakaloob ng birth control services sa maraming bansa.

“We appreciate those who advocate for pro-God policies,” ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP). wika ni Palma. “The advocacy of leaders really depends with many things and other context of morality. We are grateful for those who support pro-life laws,” komento pa nito.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Antipolo Bishop Gabriel Reyes, chairman ng Episcopal Commission on Family and Life ng CBCP, na patuloy silang umaasa na hindi maisasabatas ang RH bill.

“We are still hopeful even if we really don’t know what our lawmakers are thinking. We are still praying that it will not be passed,” ani Reyes.

Ngayon aniyang nasa period of amendments na ng panukala ang Mababang Kapulungan ng Kongreso, nanawagan rin siya sa mga mambabatas na alisin ang mga maling probisyon ng panukala, kabilang na ang kuwestiyonableng sex education program.

“Among them include the questionable sex education program and that employers should provide contraceptives to their employers,” aniya pa.

Ibinunyag rin ng obispo na tiniyak sa kanila ng maraming mambabatas na bumoto pabor sa terminasyon ng debate sa RH bill na ire-reject nila ang panukala sakaling magbotohan na sa second reading nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply