Sen. Tito Sotto ipinagtanggol ni Ciara

IPINAGTANGGOL ng aktres, singer at TV host na si Ciara Sotto ang kanyang ama na si Sen. Tito Sotto kaugnay pa rin sa stand nito o mariing pagtutol sa Reproductive Health Bill.

Sinabi ng aktres, na na-trauma ang beteranang aktres at ina niyang si Helen Gamboa, magbuhat nang mamatay ang dapat sana’y panganay na anak nila ng senador.

Ayon kay Ciara, ayaw magpunta sa kahit saang nursery ng kanyang ina mula nang mamatayan ng baby.

Iginiit ng dalaga na walang magagawa ang mga bumabatiko sa kanyang ama dahil marahil ay hindi pa alam ng mga ito ang pakiramdam ng mawalan ng anak.

“My parents experienced losing a child. Bashers/haters can’t change that fact. Sana it wont happen to any of you.” tweet ng TV host.

Pinuna rin ni Ciara ang mga aniya’y bastos sa Twitter: “[D]aming bastos sa Twitter grabe! Ang lilinis eh… Hiyang hiya naman ako sa kalinisan nila! Kawawa naman daddy ko.”

Magugunitang emosyunal na ibinunyag ng senador ang dahilan kung bakit tutol siya sa RH bill.

Sa pahayag ng senador, nabuntis pa rin ang asawa niyang si Helen kahit gumagamit sila ng contraceptives. Limang buwan lamang umano nabuhay ang baby nila dahil sa umano’y epekto ng contraceptive.

Sa pagpapatuloy ng “turno en contra” o talumpati ng senador laban sa RH Bill ngayong hapon, sinamahan ng TV host ang kanyang ama.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply